1PACMAN naghatid ng tulong sa Mandaue, Cebu

0
15

Labis-labis ang saya ng mga residente ng mga iba;t-ibang barangay sa Mandaue City, Cebu nang mabilis na magpaabot ng tulong na sako-sakong bigas si Deputy Speaker at 1PACMAN Party-list Rep. Mikee Romero kamakailan.

Ang Mandaue City, Cebu ay isa sa mga higit na napinsala ng pandemya kung saan ang Cebu ay muling sumailalim sa Enhanced Community Quarantine (ECQ), kaya agad nag-organisa ng posibleng tulong ang 1PACMAN Party-list para sa mga mamayan ng Cebu sa pangunguna ni Rep. Romero.

Dito, mabilis nag-pahatid ng sako-sakong bigas sa Mandaue City para sa mga mamayan dito. Ang mga residente ay mula sa lahat ng barangay ng Mandaue tulad ng Brgy. Basak, Brgy. Paknaan, Brgy. Cabangcalan, Brgy. Maguikay, Brgy. Look, Brgy. Ibabao at Brgy. Centro at iba pa.