Rep. Romero, ginulat muli ng isa sa libong natulungan

Photo and video by GIO PANGANIBAN

0
270

Labis na kinatuwa ni Deputy Speaker at 1 Pacman party-list Rep. Mikee Romero ng ito ay maka-tanggap ng isang regalo mula sa isa sa libo-libong natulungan nito kahapon.
“Hindi po kailangan, ngunit sadya po at hindi ko din naiwasan ang maluwa sa mga tulad ng isang ito na nag-abala pa. Sabi ko nga po, ang aking bawat tuling na nakakayang maibigay ay kailan pa man ay hindi po mangangailangan ng kabayaran sa ano man po na paraan,” masayang pahayag ng mambabatas.

Kalakip na liham para kay Rep. Mikee Romero,

“Maliit na ganti, sa iyong tulong naibinigay. Maraming Salamat po!” Ito ang mga katagang galing sa isang mamamayan ng Batangas City na napagkalooban ng tulong ni Rep. Romero.
“Lagi po kami nakakatanggap ng mga maliliit na regalo para kay Cong. Mikee. Pinagbilinan na po kami ni Cong. Mikee na tumanggap ng kahit na anong regalo para sa kanya. Pero, panay po dating at nakikiusap sila na mai-abot kay Cong. Mikee. Ang iba naman po ay naka-anonymous at hindi namin alam kung saan isasauli,” pahayag ni Gio Panganiban, operation manager ni Rep. Romero at nangangasiwa sa ibang nahingi ng tulong sa mambabatas.